I'm Terrified
You, by the light
Is the greatest find
In a world full of wrong
You're the thing that's right...
You, by the light
Is the greatest find
In a world full of wrong
You're the thing that's right...
He took a little extra time..
Miss ko ng magsulat, miss ko na yung free flow ng ideas sa utak ko at sinusulat ko lang kung anong magregister sa utak ko. Minsan may mga nasisimulan akong paisa isang sentece pero hanggang dun lang. Minsan naman may mga pagkakataon na ang dami kong gusto isulat na parang sasabog yung utak ko, pero pag nasimulan ko ng tumipa sa keyboards, aatakihin naman ako ng gusto ko ba talagang isulat yun? Madrama ang genes ko ngayon, unstable lahat sa kin, lagi ako naiinis, some called it depression but I called it unemployment. Siguro pag may work na ko ulet, kung kelan konti na lang ang oras ko para sa social life, dun lang ulet magiging active ang lahat ng senses ko, ngayon kase kung meron mang part ng pagkatao ko na gumagana, puso lang siguro yun.. at least buhay pa rin ako.
~ When I quit working, I lost all sense of identity in about fifteen minutes. ~ Paige Rense
I like Werewolves They are the sexiest beasts Gusto ko rin yung pakiramdam na maaari nya akong sagpangin anytime At manghihinang tiyak yung tuhod ko pagkatapos nilang bumalik sa katawang tao –Naked Beasts!! Kung noon natatakot ako sa kanila, ngayon hindi na J
Kanina, pagkatapos ng halos tatlong linggong pagiging alila, nakalabas ako ng bahay, kailangan ko kaseng ayusin na naman ang red ribbon ng aking pinagsunogan ng kilay na diploma at tor, aksyuli may red ribbon na yun kaso 2008 pa, sa kasamaang palad hindi tinatanggap sa embassy yung mula 2009 hanggang sa past years kaya need ko mag renew. Sa tuwing pupunta ako sa kahit saang sangay ng gobyerno, alam ko na lagi ang mga kailangan kong gawin, magdala ng tubig, biscuits, towel (mahina ang panyo sa matatamo kong pawis), photocopy at original docs, lakas ng tuhod at mahabang pasensya. Alam kong pinaka kailangan ko yung huli kase sa haba ng pila lagi sa kahit saang dako ng gobyerno naku ewan ko lang.
Pina expedite ko yung docs ko para bukas pwede ko na balikan, kung regular kase na application, sa Friday pa yun magiging okay. Friday is ligaw day!
Pagkagising:
facebook account deactivated!
________________________________
at maghapong nagpakabusy or else, nakakaiyak L
Here for You
Firehouse
So you think you've got it all figured out
Well you know you can't make it alone
Everybody needs somebody to help them out
And you know I could be that someone And if you ever get lost on life's highway
Don't know where to go
There's just one thing that I want you to know Chorus:
I am here for you, always here for you
When you need a shoulder to cry on
Someone to rely on, I am here for you So you think that love is long overdue
Tired of looking for someone to care
Let me tell you now the choice is up to you
But you know I will always be there I am here for you, always here for you
When you're needin' someone to hold you
Remember I told you
I am here for you
I am here for you So now you've got it all figured out
And you know you've found someone that cares
And if you ever need somebody to help you out
Well you know I will always be there And if you ever get lost on life's highway
Don't know where to go
There's just one thing that I want you to know Chorus
I am here for you, always here for you
When you're needin' someone to hold you
Remember I told you
I am here for you, I am here for you
|
I'm a little teapot |
|
Short and stout. |
|
Here is my handle |
|
Here is my spout. |
|
When I get all steamed up |
|
Here me shout. |
|
Tip me over and |
|
Pour me out. |
Ako si Takure
Mapandak at mataba
Ito ang hawakan
Ito ang buhusan
Kung ako ang kukulo kukulo kulo kulo
Kunin n'yo ako
at ibuhos..
Wala akong kahilig hilig gumawa ng fansign, ayoko rin ng pinipicturan ang sarili ko, lalo na nga at wala naman yatang premyo kung mag effort akong magpose ano!! Ahahahha isang malaking Joke!!
Sabi ko naman sa’yo ako ang pride booster mo J
At sa kahit anong adiktus moment, as long na hindi ka naghuhubad sa kalye at nagdadrugs, sasamahan kita!!
Happy Blog, sa’yo!
Kahit tambay, may Christmas wishlist din!!
Marami akong gustong mangyari ngayon sa buhay ko. Hindi naman ako tambay as in tambay sa kanto na nag aabang lang ng pagsikat at paglubog ng araw. Hindi ako yung tipong kailangan ng ilang boteng beer para makatulog sa gabi sa kakaisip kong may silbi pa ko sa mundo kahit tambay ako. Healthy tambay to para sa kin ano!!
Alam kong alam na ng mga concern sa ‘kin bakit di ako naiinip dito sa bahay J, ayoko na rin ikwento kung paano ang mga pangyayari at baka kung hindi tayo magkaiyakan eh batukan nyo ko sa sobrang keso, ahihihi.. Basta!!
Ito ang listahan ng mga gusto kong ngayong Pasko:
© Maging mas healthy lalo ang Tito ko at si Michael
© Hindi na pasaway ang mga kapatid ko at mag aral na ng mabuti si Bunso
© Makahanap na nang bagong assignment si Chief bago mag New Year
© Makansel na yung visa ko sa qa
© Maaprove na yung visa ko doon sa kabilang bansa na katabi ng qa..
© Makapagwork na ulet ako kahit gaano katoxic ang Accounting/Audit J
© Mapaayos ko na yung nasira kong notebook
© Sana maging mas mabait, mas masipag, mas mapagbigay, mas maalalahanin, mas malambing, mas makeso, mas maka-Diyos AKO! J
© Sana maging mas healthy ang bawat tao sa mundo, sa isip, sa salita at sa gawa.
© Sana manalo ako ng GC ni Salbehe ahihihi!!
© Sana hindi na guni guni lang kung magwish ako ng sana naman maging mas sexy na ko ahahhaha!!
Simpleng tao lang naman ako na may mga kahilingan din. Pagkatapos ng nakaraang dalawang Pasko na malayo sa pamilya, ngayon balik loob ako sa kwarto ko. Yung kalimitang tulog ako pag Noche Buena, ngayon alive na alive na! Ngayong Pasko, sali nyo ko sa Christmas Party. Exchange gift tayo ng Love on Earth and World Peace!!
Merry Christmas po sa Lahat!!
**Para sa Make a Wish List Raffle ni Salbehe.